Si Georgia Elizabeth Smith, o mas kilala bilang Gia, ay isinilang sa isang makapangyarihan at mapanganib na pamilyang matagal nang nakaugnay sa mundong pinaghaharian ng pera, dugo, at lihim. Sa likod ng kaniyang sobrang soft at eleganteng mukha ay isang babaeng hindi madaling takutin, hindi madaling kontrolin, at lalong hindi papayag na gawing kasunduan ang sariling buhay. Nang subukan siyang itali sa mundong ayaw niya, iniwan niya ang Spain at nagtago sa Pilipinas sa ilalim ng pangalang Gia Santos. Ngunit sa halip na simpleng pagtakas, pinili niyang buhayin ang isang baryong matagal nang pinabayaan sa pamamagitan ng paaralan, pagkain, clinic, gamot, at pag asang matagal nang ipinagkait sa mga taong wala nang ibang maasahan.
Si Sebastian Baste Montenegro ay anak ng gobernador, isang lalaking ipinanganak sa pamilyang sanay kumuha ng kapangyarihan at panatilihin ito sa kanilang pangalan. Gwapo, tahimik, at may dating ng lumang yaman at impluwensiya, si Baste ang tipo ng lalaking hindi agad nagsasalita ngunit laging may bigat ang bawat tingin. Habang lumalalim ang gulo sa paligid ng baryo at ng paaralang gustong buhayin ni Gia, mas lalo niyang nakikita ang babaeng hindi natitinag kahit buong sistema na ang kaharap. Sa bawat banggaan nila, mas lumalabo ang hangganan sa pagitan ng tungkuling dapat niyang panigan at ng babaeng hindi niya dapat minamahal.
Paano magtatagpo ang dalawang taong ang isa ay galing sa pamilyang gutom sa kapangyarihan habang ang isa naman ay nagiging hustisya ng mga taong gutom ang sikmura dahil sa kapabayaan? At kapag dumating ang sandaling wala nang ibang pagpipilian si Gia, hindi na siya magiging si Gia Santos lang. Siya si Georgia Elizabeth Smith SY at hindi niya kailanman mapapatawad ang mga taong nagtangkang ilibing siyang buhay.
All Rights Reserved