✍️ Gym. Write. Eat. Sleep. Repeat.
Yan ang perfect routine ni Axianna Clariene Valdez - o mas kilala sa pen name na Axia, ang best-selling author ng hit novel na Fields of Rose.
Simula nung 12 years old siya, writing na ang naging mundo niya. Nung teenager, hobby lang na ginagawa niya para takasan ang reality, ngayon - ito na ang buhay niya. Successful, stable, at kontrolado niya lahat ng nangyayari... o akala niya lang.
Akala niya tapos na ang lahat ng sakit at trauma ng nakaraan. Akala niya safe na siya sa mundo na siya ang may hawak ng pluma at siya ang nagdedesisyon ng ending. Pero lahat nagbago nung sumulpot ulit ang ex-boyfriend niya sa book signing niya - si Kyle, ang taong nanakit, nanakot, at sumira sa tiwala niya sa pag-ibig noon.
Biglang gumuho ang peace of mind niya. Pero sa gitna ng takot at gulo, may isang pamilyar na presensya ang sumulpot ulit.
Si Zeehan Montefalco - ang ex suitor niya dati na sobrang bait, sobrang patient, at never nawala ang pagtingin sa kanya. Yung taong handang dumamay noong akala niya mag-isa na lang siya. Yung taong magpapatunay na ang pag-ibig hindi dapat nakakatakot, hindi dapat masakit - kundi dapat soft, safe, sweet, at totoo.
Handa na bang buksan ulit ni Axia ang puso niya? Matutulungan ba siya ni Zee na isulat ang pinakamagandang chapter ng buhay niya - na siya mismo ang bida at happy ending ang sigurado?
A story of healing, second chances, and finding love when you least expect it. Full of Gen Z vibes, relatable moments, and kilig that will make your heart flutter! ❤️
All Rights Reserved