Piyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo lang ang tunay na halaga kapag hindi na kayang maramdaman pa ng palad mo ang bagay na iyon. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Wala kang magagawa kundi umiyak sa isang sulok at hintaying maubos ang luha sa mga mata mo. Iyak ka lang nang iyak, nagbabaka sakaling maibsan kahit papaano ang kalungkutan, pangungulila, at sakit sa puso mo. You can't bring back what you've lost so think about what you have now. Siguro nga ganoon iyon. Kasi ang buhay ay parang football. Pagkatapos mong sipain palayo, saka mo hahabulin.