Aubrey Skye Lim Aragon-ang adopted daughter ng makapangyarihang Aragon Family. Lumaki siyang puno ng utang na loob, ngunit hindi kailanman naramdaman ang tunay na pagtanggap... lalo na mula kay Damian Lucien Aragon.
Si Damian-isang kilalang gay man, elegante, maarte, at ubod ng sungit-ay tila may espesyal na galit kay Aubrey Skye. Sa bawat pagkikita nila, puro bangayan, irapan, at masasakit na salita ang nangingibabaw. Para bang kasalanan niya ang mismong pag-iral nito sa pamilya.
Ngunit sa gitna ng lamig ng pakikitungo ni Damian, may isang taong naging kanlungan ni Aubrey-si Marco Aragon, ang pinsan ni Damian. Siya ang unang nagpakita ng kabaitan, ang unang naging kakampi... at posibleng maging dahilan ng komplikadong damdamin.
Habang unti-unting nabubunyag ang mga lihim ng nakaraan at ang tunay na dahilan ng galit ni Damian, isang bagay ang hindi nila inaasahan-ang pagbabago ng kanilang nararamdaman.
Paano kung ang taong pinakaayaw mo... siya palang nakatadhana para sa'yo?
Sa mundong puno ng sikreto, pride, at hindi inaasahang pag-ibig, matututunan ba nilang mahalin ang isa't isa... kahit taliwas ito sa lahat ng inaakala nila?
Because sometimes... love comes in the most unexpected ways.
Tüm hakları saklıdır