Zaavedra Brothers Series 4: The General's Captured Heart (BxB)
Nakatayo siya sa harap ng isang tactical map na nakapatong sa hood ng isang sasakyan. Naka-bulletproof vest siya na may malaking POLICE sa likod, hawak ang isang radyo. He was barking orders, looking completely in command. Ang mga tauhan niya ay mabilis na sumusunod sa bawat galaw ng kamay niya.
Aaminin ko, medyo hot siya kapag nagtatrabaho, naisip ko, bago ko mabilis na sinampal ang sarili ko mentally. Focus, Miles!
Itinaas ko ang camera ko para kumuha ng video ng command post niya. Baka sakaling may marinig akong incrimating evidence.
Humakbang ako paabante para mas malinaw ang audio, pero dahil madulas ang putik, nadulas ang paborito kong puting sneakers.
"Ay pucha!" napasigaw ako habang dumudulas nang dire-diretso mula sa pinagtataguan kong truck pababa sa isang maliit na muddy slope, direkta sa paanan ng command post ni Dominic.
Bumagsak ako sa putik. Face first. Ang beige trench coat ko ay instant camouflage na sa dumi.
Tumahimik ang buong command post. Sampu, o baka dalawampung matitikas na pulis na naka-SWAT gear ang napatingin sa akin, nakatutok ang mga baril sa lupa pero halatang nagulat.
Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko. Nakatayo sa mismong harap ko ang isang pares ng itim na combat boots.
Tumingala ako. Nakapamulsa si Dominic, nakataas ang isang kilay, at nakatingin sa akin na parang ako ang pinakamalaking perwisyo sa buong kasaysayan ng PNP.
"Mr. Angeles," bati niya, ang boses niya ay punong-puno ng sarkasmo. "Nice of you to drop by. Literal."