Si Meisha Alonzo, mataray na fourth-year business student, ang goal lang ay makapasa sa internship at ma-approve ang proposal niya para sa San Lorenzo University. Wala siyang balak makisali sa mundo ng mga bilyonaryo. Hanggang sa isang "final paperwork" ang pumirma sa kapalaran niya. Hindi niya alam, marriage certificate pala yun. At si Cayden Norvell, apo ng pinakamakapangyarihang tao sa Norvell Group-ang asawa niya sa papel. habang lumalalim ang trabaho nila sa pilot run ng internship program, unti-unting lumalabas ang totoo: Pareho silang nawalan ng magulang sa iisang ambush years ago. Si Meisha, lumaki sa piling ng Tita niya na lihim na pinamumunuan ang kalabang grupo ng Norvell. Si Cayden, lumaki sa paghahanap kung sino ang may kasalanan sa pagkamatay ng parents niya. Hindi nila alam na kalaban ng pamilya nila ang isa't isa. At mas lalo silang magkakalapit bago pa man sumabog ang sikreto. Paano ka magmamahal sa taong pinaka-ayaw mo, kung siya pala ang taong hindi mo dapat mahalin?
More details