Wala akong pake kung sino ang kachat ko, mapa-modus pa 'yan or what. Ganyan naman ang mundo at henerasyon ngayon eh, maraming kalokohan. Pero nang dahil sa hobby kong mag-chat in public, whether I know the person or not, may isa akong kachat na sobrang kulit. 'Yung tipong, bawat oras at bawat araw, never siyang mag-oonline.
Until one day, hindi ko in-expect na mangyayari 'yon...
Kasi bigla na lang siya hindi nagparamdam. Sabihin niyo nang kahit loner ako at careless sa mga nangyayari sa mundo, may curiosity pa rin ako sa lalaking 'yon.
Oo, lalake siya.
At na-in love na ako sa kanya.
TOTGA (Candy Stories #4) (Published under Bliss Books)
54 parts Complete
54 parts
Complete
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, can they manage to be together in the end--or will they remain as each other's TOTGA and nothing more?
***
May feelings na laging nandiyan, nakaabang kung kailan magpapapansin. Nakaabang kung kailan ako titisurin sa mga pamilyar na kanta, lugar, at salita. Magpapaalala sa isang mukha na hindi ko naman gano'n kakabisado pero pamilyar. Magpapaalala sa mga dating pakiramdam.
Malalaman mo raw kung sino ang The One That Got Away mo kapag narinig mo 'yong salita at nakaalala ka ng iisang tao lang; nakatisod ka ng mga dating pakiramdam; nangulila ka sa mga nakaraang saya; nakaalala ka ng mga pamilyar na sakit.
Sabi, time heals wounds at distance makes one forget. Bakit parang hindi naman effective? Bitbit ko pa rin lahat ng what if. Hindi pa rin ako makatakas sa maraming sana.
Ako ba ang bumitiw o siya? Tapos na ba kami talaga?
Ang sarap magtanong kaso...wala nga palang kami noon.
Disclaimer: This story is written in Taglish.