Love, Unfiltered.
Love, Unscripted.
Lahat naman tayo may tinatawag na "Constant," 'di ba? 'Yung taong kahit magunaw ang mundo, alam mong lilingon ka lang, nandoon siya. Para sa akin, si Aries 'yun.
Siya 'yung best friend kong mas maarte pa sa akin kapag nasisira ang buhok, mas mataray pa sa nanay ko kapag late akong umuuwi, at mas pulido pa ang eyeliner kaysa sa kahit sinong babaeng kilala ko. Siya 'yung laging handang sumalo sa akin, tagapulot ng mga piraso ko tuwing dinudurog ako ng maling mga lalaki.
Pero heto ang masakit na biro ng tadhana...
Bakit sa tuwing hinahawakan niya ang kamay ko, parang mas mabilis pa ang tibok ng puso ko kaysa sa beat ng paborito niyang banda? Bakit tuwing tinititigan ko ang mukha niyang ayaw niyang tinatawag na "pogi," parang gusto ko nang bawiin ang lahat ng sinabi ko noon?
Gusto kong burahin ang salitang, "Bading siya," at palitan ng isang tanong na paulit-ulit na sumasagi sa isip ko: "Lalaki pa rin naman siya, 'di ba? Pwede pa rin naman ako... 'di ba?"
Mahirap magmahal ng taong iba ang tinitibok ng puso. Pero mas lalong mahirap magmahal ng lalaking alam mong lalaki rin ang gusto. Isang pader na kahit anong pilit ko, hindi ko yata kayang gibain.
Pero paano kung ang unscripted love na hinihintay ko ay hindi pala isang panaginip? Paano kung matagal na itong nakasulat sa bawat mahigpit niyang yakap at sa bawat tahimik niyang pag-aalaga?
Gusto ko siyang maging masaya. Sobra. Pero sa bawat pagpikit ko, isa lang ang dinarasal ko... Sana, ako naman ang dahilan ng bawat pag saya nya.
All Rights Reserved