Isa lang siyang simpleng probinsyana na lumuwas ng Maynila para maghanap ng mas magandang buhay. Bitbit ang pangarap at lakas ng loob, tinanggap niya ang trabaho bilang kasambahay sa bahay ng isang makapangyarihang mayor.
Akala niya, magiging tahimik lang ang bagong simula niya, pero nagkamali siya.
Sa unang araw pa lang niya sa Maynila, isang malaking gulo ang kinasangkutan niya. Dahil sa maling akala, napagkamalan siyang snatcher sa gitna ng kaguluhan-at bago pa niya maipaliwanag ang sarili niya, hinuli na siya ng isang pulis.
Isang mayabang, suplado, at mabilis manghusgang pulis.
Dinala siya sa presinto kahit wala siyang kasalanan, pero paano kung ang lalaking kinaiinisan niya... ay siya ring lalaking unti-unting babago sa buhay niya?
Mula sa isang maling akala, magsisimula ang isang k'wentong puno ng asaran, pride, at damdaming hindi inaasahan.
Paano kung ang araw na inaresto siya...
ang siya ring araw na makikilala niya ang future love niya?
All Rights Reserved