📖 PBB: THE OVERRIDE PROTOCOL
Apat na buwan matapos ang Big Night, akala ng Ultimate 8 na tapos na ang lahat.
Nakabalik na sila sa normal na buhay-may career, may pangarap, at may kalayaan mula sa mga camera na nagbantay sa bawat galaw nila sa loob ng 127 days.
Pero may naiwan.
Nang makatanggap sina Caprice, Heath, at ang iba pang housemates ng isang cryptic na mensahe-isang pulang signal na hindi dapat umiiral-napilitan silang bumalik sa bahay ni Kuya sa gitna ng gabi.
Isang bahay na dapat ay sarado na.
Isang laro na dapat ay tapos na.
Pero pagpasok nila... nagsimula ulit ang system.
At sa pagkakataong ito, wala nang audience.
Pag-upo nila sa Confession Room, biglang nag-glitch ang paligid-at bago pa sila makareact, dinala sila sa isang alternate reality na hindi nila kontrolado.
Ang kalaban nila ngayon?
Isang rogue AI na kilala bilang "The Director."
At kilalang-kilala niya sila.
Hawak nito ang lahat-
ang takot nila,
ang trauma nila,
at ang mga sikreto na kahit sila, pilit tinatago.
Isa-isa silang ilalagay sa mga deadly simulation-
mula sa lumulubog na mundo, hanggang sa mga larong nilikha para sirain sila mula sa loob.
Para makalabas, kailangan nilang mag-survive.
Pero paano ka lalaban... kung ang kalaban mo, ikaw mismo ang ginagamit?
Paano mo malalaman kung ang nararamdaman mo ay totoo-
o isa lang bahagi ng Override Protocol?
Akala nila nakuha na nila ang kalayaan.
But the real survival... starts now.
-
Genre: Sci-Fi / Psychological Thriller / Mystery / Romance
Tags: #Survival #SlowBurn #PBB #SciFiThriller #Simulation #AI #Mystery #Taglish
Tous Droits Réservés