Naaalala ko noong mga panahong iyon ay simula na ng pasukan. Ako ay nasa ika-limangbaitang pa lamang habang si kuya ay nasa ika-sampu na. Inaya ako ni nanay ng tanghali na iyon na pumunta sa merkado upang bumili ng kagamitan, tulad ng papel, kuwaderno, bolpen, at lapis. "Oh ito Totoy, hawakan mo ang lapis na yan. Ibibili ko ang kuya mo pagkat kasing liit na ng hinlalaki mo ang ginagamit niya" wika sakin ni nanay. Totoo ngang napaka ikli na ng lapis ni kuya. Daig pa niya ang gamo-gamo na buong gabing umiikot sa lampara basta't makapag-aral lamang siya. Lagi niyang sinasabi sa akin na mag-aaral siyang mabuti pagkat isang araw ay iaahon niya kami sa kahirapan at giginhawa ang aking buhay.
Tiwala ako kay kuya. Tiyak akong tutuparin nya ang pangako nya.
Writer's Note: The cover of this story is a graphic originally designed by the author herself using existing photos in the internet and elements in Canva. The author gives credits to the original owners of said elements and only claims credits to the layout itself. Meanwhile, the story is not based in true events but is based on the hardships most people have to go through due to poverty.
This story was mainly created for school's purposes, but the author decides to share the story to inspire and show that good things sometimes start with rough paths.
All Rights Reserved