Ignominy And Cruelty

Ignominy And Cruelty

  • WpView
    Reads 32
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 2
WpMetadataReadOngoing
WpMetadataNoticeLast published Sun, May 24, 2026
Si Hiro at si Raycaelian ay nakatali sa isang pagkamuhi na labis nang binaluktot ng panahon, isang pagkamuhi na hindi nila pinili kundi responsibilidad na dalhin, isinilang mula sa sigalot ng kanilang mga pamilya na umabot nang ilang siglo. Sa loob ng limang taon sa Brettleton, iniwasan nilang pareho ang isa't isa, tila may tacit understanding ang dalawa sa tungkuling dapat gampanan. Laging nagmamatyag ang madla sa kanilang susunod na hakbang, hawak ang iskrip upang hatulan ang lilihis sa nakatakdang takbo ng palabas. Akala ni Hiro na matatapos ang kanilang masalimuot na relasyon sa sandaling umalis siya sa paaralan. Pero dumating si Raycaelian sa Institut Aeltheris nang walang abiso, na parang isang regalong nakabalot sa isang gutay-gutay na mamahaling papel, pero walang nakaaalam kung ano ang nasa loob: kung grasya o delubyo. Walang kahit katiting na interes si Hiro na buksan ito para tingnan ang laman. Sa kabila noon, ayaw siyang patahimikin.
All Rights Reserved
#11
dark
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Ad Te Repetam Anno 1896
  • Way Back To 1898  ✓
  • M
  • Socorro
  • Segunda
  • Lo Siento, Te Amo (Published by Taralikha)
  • Ang Tampalasang Alipin
  • El Gobernador General De Mi Corazón
  • Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing)
  • Kapalit ng Kalayaan

Sa taong isang libo, walong daan at siyamnapu't anim, ang pag-ibig ay hindi isang marikit na tula o malambing na kundimang iniaalay sa ilalim ng buwan, ito ay isang kalapastangan, isang mapanganib na lason na ang tanging pangako sa mga lumalasap ay dusa, luha, at isang malamig na himlayan. Sa pag-aalimpuyo ng sigwa ng kasaysayan, si Ysabel Villareal-isang binibining namulat sa sinag ng araw ng isang malayang kinabukasan (taong 2025)-ay tinangay ng malupit na tadhana pabalik sa isang bayang nilulunod ng mga prayle sa kamangmangan at nakagapos sa tanikala ng pagkaalipin. Paano nga ba paluluhurin ang isang isipang sanay sa liwanag ng kalayaan sa harap ng isang lipunang ang turing sa kababaihan ay mga maamong palamuting walang karapatang magka-tinig? Siya ay wari'y isang ibong dating malayang naglalayag sa himpapawid na ngayo'y nagpupumiglas na makawala mula sa gintong hawla ng kasaysayan. Ngunit sa kaniyang marubdob na pagnanasang kalagin ang gapos ng panahon, kaniyang nasumpungan ang isang maginoong nakabilanggo rin sa sariling kasalukuyan-isang liyag na may dalisay na pusong handang magbuhos ng huling patak ng dugo sa dambana ng nagdurugong Inang Bayan. Sa ilalim ng alapaap na pinapula ng papalapit na poot ng himagsikan, paanong pagtatahiin ng pag-ibig ang dalawang kaluluwang pinaghiwa ng malupit na batas ng kalikasan at panahon? Ang isa ay pilit hinahabol ang bukas upang patuloy na mabuhay, habang ang isa ay malugod na niyayakap ang kamatayan sa kasalukuyan, matamasa lamang ng kaniyang iniibig-at ng mga susunod na salinlahi-ang isang malayang kinabukasan. Ad Te Repetam Anno 1896.

More details
WpActionLinkContent Guidelines