Sabi ng iba, ang buhay ay parang kanta - may simula, may katahimikan, at minsan may mga nota na hindi mo alam kung paano tatapusin. Iyong tipong alam mo nga iyong simula, pero hindi mo naman alam kung aabot ba sa gitna, at worst kung matatapos mo ba ng buo at payapa.
Parang si Leona Beatrice, at si Zachary Laurent. Nagkita lang - literally, nagkita lang - sa isang hindi inaasahang lugar, sa unibersidad na hindi sila parehas familiar. Full of awkward small talks, nervous smiles, at free lanyards para sa mga freshman like them. One whole day of random hallway conversation, shared playlists na hindi sinadya, duets na surprisingly ay nagtutugma. Imagine being with someone kahit hindi mo kilala at unang beses mo pa lang nakita. Ganito pala talaga sa college. Fresh start. Bagong chapter. Bagong Mukha. Kakaibang Feelings.
Tila mapapatanong ka na lang ng biglaan.
Bakit parang ang isang taong ito ang simula ng kanta na hindi pa niya alam kung paano sisimulan?
Iyong taong gusto niya nang makasama sa dulo, kahit hindi pa niya alam kung paanong isasama sa simula.
Iyong tipong may lyrics ka na, pero hindi mo pa rin naman makanta.
Chasing Unfinished Song is a story about two people who fell into each other's orbit before they even knew each other's names - and how music became the language they never planned to speak.
All Rights Reserved