Minsan, ang akala mo lang sa isang simpleng road trip kasama ang mga kaibigan mo ay puro tawanan, pictures, at memories na pwede mong balikan habang tumatanda ka.
Pero paano kung isang maling liko... ang magdala sa'yo sa lugar na hindi mo na alam kung paano ka makakalabas?
Sa gitna ng isang abandonadong gubat na walang signal, walang direksyon, at parang inuulit lang ang bawat daan na nilalakaran nila... may mga bagay na unti-unting magpaparamdam na hindi sila nag-iisa.
Anim silang magkakaibigan.
Iba-iba ang ugali, iba-iba ang pananaw sa buhay, at mas lalong hindi sila sanay sa ganitong klaseng sitwasyon.
Si Aira Valdez, ang tahimik pero observant na dalaga na pilit pinipigilan ang kaba sa bawat hakbang na ginagawa nila. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan... pero alam niyang may mali.
Si Ethan Cruz, ang natural na leader ng grupo-seryoso, matalino, at laging inuuna ang kaligtasan ng lahat... kahit minsan ay hindi niya na rin alam kung tama pa ba ang desisyon niya.
Si Kyle Mendoza, ang utak ng grupo, na pilit hinahanap ang logic sa isang lugar na parang walang logic sa lahat.
Si Jasper Lim, ang joker na kahit delikado na ang sitwasyon ay may nasisingit pa ring biro... kasi iyon lang ang paraan niya para hindi matakot.
Si Mia Reyes, ang emosyonal na madaling mataranta, pero sa bawat sigaw niya ay may katotohanang hindi nila pwedeng balewalain.
At si Rico Santos, ang padalos-dalos na kahit ilang beses nang sinabihang mag-ingat ay tila hindi pa rin natututo.
Akala nila ang pinakamalaking problema nila ay ang mawala lang sa gubat.
Pero nagkamali sila.
Dahil sa bawat pag-ikot ng mga puno, sa bawat bulong ng hangin, at sa bawat yapak na tila may sumusunod...
may isang bagay na nagmamasid sa kanila.
At hindi lang iyon.
May isang matandang lalaki.
May hawak na palakol.
At mukhang matagal na niyang alam na darating sila.
All Rights Reserved