Mahalina o Yna, isa sa milyon-milyong babae na naniniwala sa happy endings, forever, true love at fairytales hindi dahil na-inlove na siya kundi dahil sa nangangarap siya. Tulad ng sa movies ng Cinderella at Beauty and the Beast. Ulila na siya kaya naman dahil sa isang offer tinanggap na niya ang isang trabaho na magbabago ng lovelife niya ng di niya alam kahit na nakakatakot ang papasukan niya. Sa araw-araw di na bago ang mga creepy na pangyayari sa loob ng malaking tirahan na siya lamang ang tao. Sa hindi inaasahang pangyayari biglang nagsalita ang salamin sa kwarto ng kaniyang amo na di niya pa nakikita. Eto na kaya ang fairytale na gusto niyang mangyari? O eto ang nightmare na ayaw niyang mangyari?