Aware siya sa kaniyang kasarian, alam niyang siya ang nakamana sa hugis ng kaniyang mga magulang. Dapat masaya siya pero para sa kaniya isa itong dagok sa sarili niya dahil ang akala niyang magkakaroon siya ng malalim na pagkahumaling sa taong di naman kuwestiyonable ang estado sa buhay eh bat napunta pa siya sa taong kasal na? Ang masaklap pa ay dating na link sa mama niya ang babaeng nagustuhan niya tapos naging guro pa niya. Akala niya wala na siyang pag-asa dahil sa maraming dahilan na hindi pwedeng maging sila pero may mga natawid silang daan na di naman dapat. Pagsisisihan niya ba ito o paninindigan na lamang hanggang dulo? Kakayanin niya ba ang panibagong hapon sa pamilya niya o siya mismo ang makakadiskubre sa kung gaano kalalim ang ugnayan ng bawat isa? Tunay nga ba na minahal siya ng taong mahal niya o minahal lang siya ng panandalian dahil kailangan siya?
More details