PROLOGUE
Ang sabi nila, ang pag-ibig ay parang isang tasa ng kape. Minsan matamis, minsan matapang, pero madalas... nakakapaso.
Sa loob ng Valeriano Towers, ang kape ay hindi lang inumin. Ito ay isang test of patience. Isang maling sukat ng asukal, isang kulang na digri ng init, o isang segundong pagkakaantala sa paglapag nito sa lamesa ni Eliot Valeriano ay sapat na para mag-collapse ang mundo mo.
"Too sweet. Take it back."
Iyon ang boses na nagpapakaba sa bawat empleyado. Ang boses ng lalaking tinaguriang "Robot" ng Makati. Isang CEO na ang tanging lengguwahe ay perfection at profit. Wala siyang pakialam sa nararamdaman ng iba, lalo na sa isang hamak na intern na ang tanging baon ay tapang at pangarap.
Si Chriztelle Alvarez ay pumasok sa kumpanya para matuto. Hindi niya inaasahan na bukod sa pag-aaral ng business, kailangan niya ring aralin kung paano hindi mahulog sa mga matang kasing lamig ng yelo pero kasing lalim ng karagatan.
Sa kabilang banda, naroon si Laurence Montenegro. Ang lalaking handang maging kalasag ni Chriztelle sa tuwing itataboy siya ng mundo. Isang tagapagmana na handang kalimutan ang korona para lang sa isang babaeng hindi alam ang sariling halaga.
Ito ang kwento ng isang intern na minaliit, siniraan, at itinapon. Ngunit sa likod ng bawat mantsa at bawat pagkakamali, doon lalabas ang isang babaeng hindi lang basta marunong magtimpla ng kape-kundi isang babaeng kayang baligtadin ang mundo ng dalawang makapangyarihang lalaki.
Dahil sa larong ito, hindi sapat ang galing. Kailangan mo ng paninindigan.
Welcome to The CEO's Perfect Brew
Todos los derechos reservados