Dahil sa pagnanais na makalimutan ang ginawang panloloko ng nobyo, ginamit ni Francess ang one-month vacation leave niya sa kompanyang pinagtatrabahuhan para umuwi ng probinsya matapos ang anim na taon.
Nang bumalik siya, hindi mapayapang buhay kasama ang pamilya ang sumalubong sa kanya kundi ang pagkawala ng isang dalaga sa barangay nila na si Julienne na parang bula. Hindi ito naglayas, hindi din ito nagtanan. Walang nakakaalam sa kinaroroonan nito at walang kahit anong bakas na naiwan para malaman kung patay na ba ito o maaaring buhay pa.
Paano kung ang pagbabalik ni Francess sa kanilang probinsya ay magdulot ng kahindik-hindik na sitwasyon sa mga dalaga sa kanilang lugar? Mababawasan kaya ang sakit ng panloloko na nararamdaman niya? O mas titimbang ang takot at kaba sa dibdib niya lalo pa't hindi niya alam kung sa susunod ay siya na ang mawawala ng parang bula?
**Published in Tala ng Mga Katatakutan Anthology (TDP Publishing House)**
Tutti i diritti riservati