Ito ay isang kwento ng isang batang inabandona at 'di na binalikan pa, isang batang puno ng pangarap ngunit ito'y naglaho nang ang simpleng sustento't kaligayaha'y 'di nya malasap, isang batang inaakalang maganda at maligaya ang kanyang buhay ngunit ito pala ay hindi tunay.
Ito ang kwento ng mga batang inabandona dahil sa samu't saring dahilan na kadalasa'y hindi na malaman. Mayroong iba't-ibang mga dahilan kagaya ng maagang pagbubuntis, panggagahasa, pagkaligaw ng landas, kawalan sa tamang pag-iisip o 'di kaya'y kahirapan, kawalan ng kaalaman, pagmanipula, hindi pagpaplano, sapilitang paglayo ng bata mula sa kanyang ina/ama o di kaya'y kawalan ng puso ng mismong magulang, ng ama o ina , maaari ring pareho.
Alin ang mas mahalaga? sustento o presensya? pareho ba? Bakit mahalaga ang papel ng mga magulang sa isang bata ,musmos man o hindi ? Normal lamang ba ang pag-aabandona't pagtataksil kung marami namang ginagawa nito?
Todos los derechos reservados