𝓟𝓻𝓸𝓵𝓸𝓰𝓾𝓮
"𝙎𝙏𝙍𝘼𝙄𝙂𝙃𝙏 𝘼𝙆𝙊𝙊!!!"
Yan ang laging sigaw ni Ash sa tuwing pinagkakamalan siyang babae o kaya naman ay nilalandi ng kung sino-sino dahil sa mahaba niyang buhok, maputing balat, at halos perpektong mukha na mas maganda pa raw kaysa sa karamihan ng babae.
Pero ang hindi alam ng lahat?
Minalas siyang mapunta sa puder ng tatlong lalaking walang ginawa para manggulo ng buhay niya.
The Montenegro Triplets.
Caelum, Cassius, at Cyrus Montenegro-mga gwapo, mayayaman, influential, at kinakatakutan sa buong campus. Kahit professors, hindi basta-basta makapalag sa kanila. Lahat ng babae baliw na baliw. Lahat ng lalaki gustong maging sila.
At higit sa lahat...
Ayaw nila kay Ash.
Sa unang pagkikita pa lang, nagulo na agad ang buhay niya.
Nabuhusan ng kape. Napagkamalang bagong girlfriend. Naging usap-usapan ng buong school. At mas lalong lumala nang bigla siyang idikit sa apat na campus kings na parang may sariling fan club.
"Ang cute mo pala sa personal," malamig na sabi ni Caelum habang nakatingin sa kanya.
"Mas mukha ka pang babae kaysa sa mga ex ko," dagdag ni Cassius na may nakakainis na ngisi.
"Cute."
At si Cyrus?
Ngumiti lang ito habang inaayos ang salamin.
Nanlaki ang mata ni Ash.
"PUTANGINA NYO. STRAIGHT AKO!"
Ngunit habang pilit niyang iniiwasan ang tatlo, mas lalo naman silang parang naaaliw sa kanya.
Mga tingin na masyadong matagal. Mga hawak na hindi normal sa "magkaibigan." Mga selos na wala namang karapatan. At mga titig na parang unti-unting may ibig sabihin.
Pero hindi papayag si Ash.
Straight siya.
...diba?
⚠️ NOTE TO STORY THIEVES ⚠️
This story is originally written by me and published on Wattpad. Any form of copying, reposting, translating, or modifying my story without permission is considered plagiarism.
Please respect the author's hard work, effort, and creativity. If you are inspired, make your own story instead of stealing someone else's.
Plagiarism is not cool.
All Rights Reserved