Sa mundong mas pinipili na ng iba ang artificial intelligence kaysa totoong relasyon, nauso ang isang sikat na application na tinatawag na "AI Generated Boyfriend." Isang app kung saan maaaring bumuo ng perpektong kasintahan-mula sa taas, boses, facial features, skin tone, hanggang sa personalidad.
Dahil sawang-sawa na si Yume sa pagiging single at sa paulit-ulit na pagkadismaya sa pag-ibig, sinubukan niya ang aplikasyon bilang biro lamang. Ngunit habang mas nakikilala niya ang sariling likhang "ideal boyfriend," unti-unti siyang nahulog dito.
Mas lalong nagbago ang lahat nang malaman niya ang tungkol sa premium feature ng app-ang kakayahang ma-meet sa personal ang AI boyfriend sa pamamagitan ng isang advanced humanoid robot. Excited na tinanggap ni Yumi ang robot na ipinadala sa kanya, at doon nagsimula ang kakaibang relasyon nila.
Ngunit lingid sa kaalaman ni Yumi, hindi totoong robot ang lalaking nasa harapan niya. Dahil sa isang malaking malfunction sa system, napilitang magpanggap bilang AI boyfriend si William/Yohance-ang mismong creator ng application, isang kilalang computer engineer at software genius-habang lihim na inaayos ng kaniyang team ang nasirang robot.
Habang tumatagal ang pagsasama nila, mas nahihirapan si Yohance na itago ang katotohanan. At si Yume naman ay unti-unting umiibig hindi sa "programmed perfection," kundi sa lalaking marunong magkamali, magselos, masaktan, at magmahal nang totoo.
Sa pagitan ng kasinungalingan at damdamin, hanggang saan kaya nila kayang ipaglaban ang pag-ibig na nagsimula lamang sa isang AI-generated fantasy?
All Rights Reserved