T.U.S.O MAGDA (Under Major Revision)
Minsan, may mga sugat na hindi nakikita ng mata. Mga lihim na pilit itinatago dahil sa takot na husgahan, layuan, at kamuhian ng mundo.
Si Magda ay isang simpleng babae na nabubuhay sa likod ng isang ngiti. Sa paningin ng iba, isa lamang siyang tahimik at matatag na babae na marunong harapin ang bawat pagsubok ng buhay. Ngunit sa likod ng kanyang mga mata ay isang malaking lihim na matagal na niyang ikinukubli-isang pagkakamaling nagbago sa takbo ng kanyang buong buhay.
Habang lumilipas ang mga taon, unti-unti siyang nilalamon ng guilt, takot, at sakit na hindi niya maibahagi kaninuman. Para siyang nakakulong sa isang madilim na silid na siya mismo ang gumawa. Isang kadilimang tila walang hanggan at walang sinumang makapagliligtas sa kanya.
Ngunit paano kung may isang taong handang pakinggan ang kanyang katahimikan? Paano kung may isang taong handang tanggapin ang lahat ng kanyang pagkukulang, kahit pa ang pinakamasakit niyang sikreto?
Sa gitna ng hirap ng buhay, pagdurusa, at mga desisyong hindi na mababawi, matatagpuan kaya ni Magda ang taong makakasama niya hanggang sa huli? O tuluyan na siyang mawawala sa kadilimang matagal nang bumabalot sa kanyang puso?
Isang kwentong puno ng emosyon, sakripisyo, pag-ibig, at mga katotohanang maaaring magpabago sa pananaw mo sa buhay.
Ihanda ang iyong puso habang binubuksan ang mga pahina ng kwento ni Magda-isang babaeng may lihim na hindi kailanman naikwento sa mundo.
At huwag kalimutang maghanda ng tissue, dahil maaaring masaktan ka rin sa kanyang pinagdaanan.
January 7, 2018