We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.
PARALUMAN (Ang Banyagang Babaylan)

PARALUMAN (Ang Banyagang Babaylan)

  • WpView
    Reads 10,778
  • WpVote
    Votes 777
  • WpPart
    Parts 41
WpMetadataReadMatureOngoing
WpMetadataNoticeLast published about 14 hours ago
WpInfo
Fiction
Historical
"Sa pagitan ng dalawang mundo, isang puso ang maliligaw sa agos ng panahon." Si Louzella ay isang binibining nabubuhay sa luho, ingay ng mga piging, at kislap ng modernong mundo, isang babaeng kilala sa pagiging maarte, mataray, at may mataas na tingin sa sarili. Ngunit sa isang hindi maipaliwanag na pagpihit ng tadhana, ang kanyang marangyang buhay ay maglalaho. Siya ay mapapadpad sa isang nakaraang hindi niya kinagisnan, tatlong libong taon ang layo mula sa sibilisasyong kanyang kinalakihan. Sa gitna ng sinaunang lupain, siya ay kikilalanin bilang ang Banyagang Babaylan at Paraluman dahil sa kanyang angking ganda na tila isang biyaya mula sa mga anito. Ngunit sa mundong walang teknolohiya at puno ng panganib, ang ganda ay walang silbi kung hindi mo kayang humawak ng sandata. Paano makikibagay ang isang matapobreng tulad niya sa buhay na payak, marahas, at malayo sa kanyang kinasanayan? Doon niya makakadaup-palad si Hara Maganda, isang marangal na mandirigma na ang puso ay kasing-tigas ng bakal ngunit kasing-lawak ng karagatan. Siya ang magsisilbing gabay ni Louzella upang hubugin ang kanyang pagkatao mula sa pagiging isang spoiled na estudyante tungo sa pagiging isang matapang na babaeng sundalo. Sa bawat pagsasanay at sa bawat sugat na matatamo, unti-unting matututunan ni Louzella ang tunay na kahulugan ng kababaang-loob at kagitingan. Subalit sa gitna ng digmaan at dugong dumadaloy, isang mas matinding laban ang kailangang harapin ni Louzella, ang pag-ibig na umusbong sa pagitan niya at ng babaeng nagligtas sa kanyang kaluluwa. Isang pagtangi na hindi dapat, dahil ang tadhana ay may ibang plano. Sa muling pagbukas ng lagusan patungo sa kasalukuyan, kailangang mamili ni Louzella. Ang buhay na kanyang kinamulatan, o ang pag-ibig na nagpabago sa kanya sa loob ng tatlong milenyo? Ano ang kakahantungan ng isang Paraluman na bihag ng nakaraan?
All Rights Reserved
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Shadowing The Heir[Sapphic/GL] Under The Panay Sky Series2
  • Sapphic Serenade (UNDER REVISIONS)
  • Mad Woman
  • 𝐁𝐞𝐧𝐞𝐚𝐭𝐡 𝐋𝐚𝐰'𝐬 𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧
  • My Boss, My Professor (GxG)
  •  𝐔𝐧𝐜𝐡𝐚𝐢𝐧 𝐌𝐞, 𝐏𝐫𝐨𝐟𝐞𝐬𝐬𝐨𝐫
  • My Lover's Twin Sister
  • Learning To Say Wife (GL)
  • Silhouettes of Us
  • Crescent Between Us

Si Vivian Fenwick ay hindi ang tipikal mong business heiress. Yes, graduate siya ng Business Admin, pero mas kabisado niya ang shades ng lipstick kaysa sa stock market. She's kikay, super maarte, at may kanal humor na laging nagpapatawa (o nagpapahiya) sa pamilya niya. For her, ang pagpapatakbo ng Fenwick Construction ay parang pagpili lang ng OOTD, dapat laging pasabog. But her father has other plans. Para sa kanya, Vivian is too soft and too loud. Kaya bago siya paupuin bilang CEO, kailangan niya munang dumaan sa impyerno, and that hell comes in the form of Isadora "Izzy" Laurent. Isadora is the total opposite of Vivian. She's cold, professional, and treats life like a high-stakes contract. She doesn't have time for Vivian's chika or her slay attitude. Ang task ni Isadora? Dismantle the kikay girl and build a ruthless CEO in just six months. Isang maarte na ayaw sa stress vs. isang instructor na allergic sa petiks. Sa gitna ng mga PowerPoint presentations, late-night drills, at bangayan na nauuwi sa asaran, mapapansin ni Vivian na ang puso niya ay unti-unti nang under construction.Kaya ba ni Vivian na i-maintain ang pagiging slay kung ang mismong instructor niya ang nagpapagulo sa sistema niya? "It's not just a training, it's a total renovation of the heart."

More details
WpActionLinkContent Guidelines