Fated Hearts: A Forbidden Love of Mafia Boss and Assassin
"I was sent to take his life, but I ended up losing my memory and giving him my heart."
Si Gabriella Paige Olviga ay ang "Top 1 Assassin" ng bansa. Isang malamig at walang pusong mamamatay-tao na nagsisilbing sunud-sunurang tuta ng kanyang sariling lolo. Inalok siya ng isang huling misyon kapalit ng kanyang kalayaan: Patayin ang Mafia Boss na si Louis Ashton Brooke.
Paige didn't hesitate. She was ready to pull the trigger. Pero sa gitna ng kanyang misyon, isang hindi inaasahang bala ang tumama sa kanya may isang traydor ang bumaril sa kanya bago pa niya matapos ang trabaho. Nahulog siya sa madilim at malalim na dagat, at sa tindi ng pagkakauntog ng kanyang ulo, tila doon na nagtapos ang kanyang hininga.
Ngunit, pagdilat ng kanyang mga mata, isang estrangherong may nakamamatay na titig ang sumalubong sa kanya.
He is Louis Ashton Brooke-ang lalaking dapat ay papatayin niya.
Dahil sa matinding amnesia, tanging pangalan niya lang ang natatandaan, Paige. At doon nagsimula ang isang mapanganib na kasinungalingan. Ashton claimed she was his wife. Ginamit ni Ashton ang pagkakataon na kontrolin ang babaeng nagtangka sa buhay niya para maging sandata laban sa kanyang mga kalaban.
Paige lives a new life as the Mafia's Wife, unaware that she is sleeping with the enemy.
Paano kung bumalik ang alaala ni Paige sa gitna ng isang mainit na pagmamahalan?
Kakayanin ba niyang ituloy ang misyong patayin ang asawa niyang naging mundo niya na?
And who was the person who tried to kill her that night?
Sa mundo kung saan ang pag-ibig ay isang kahinaan, can two fated hearts survive the lies, or will the truth be the bullet that ends them both?
Genre: Romance, Action, Mafia
Language: Tagalog/English (Taglish)
Status: Ongoing
Themes: Amnesia, Forbidden Love, Enemies to Lovers, Betrayal.
All Rights Reserved