Sa masukal at isinumpang gubat ng General Nakar, walang ligtas-kahit ang sariling kaluluwa.
Matapos ang isang madugong pagtakas mula sa malupit na ritwal ng isang lihim na lipi, kailangang harapin nina Bernard at Alejandro ang katotohanang hindi lahat ng nakakalabas sa dilim ay tunay na nakakalaya. Sa pagitan ng hapdi ng mga sugat at bigat ng isang madilim na pamana, unti-unting lalamunin ni Bernard ang kapangyarihang kinamumuhian niya upang mabuhay, habang si Alejandro naman ay magiging bihag ng isang pagmamahal na hinaluan ng lagim at panggagahasa.
Isang kuwento ng malagim na obsesyon, pagtataksil sa sariling pagkatao, at ang nakakasulasok na katotohanan na kung minsan, ang pag-ibig ay hindi sapat para talunin ang dilim-dahil ang tunay na halimaw ay hindi nagtatago sa gubat, kundi nananalaytay sa dugo.
"Ang pamana ay hindi lamang tinatanggap; ito ay ipinupunla sa pamamagitan ng karahasan."
All Rights Reserved