Prologue
Twenty-four years old ako nang casually sabihin ng nanay ko na ikakasal na raw ako.
Hindi engaged.
Hindi dating.
Hindi man lang "may manliligaw."
As in kasal.
Legal. Papel. Pirma. Yaman. Problema.
At apparently, isang sobrang yaman at sobrang Spanish na babae ang naghihintay sa dulo ng lahat ng 'yon.
"Anak," mahinahon na sabi ni Mama habang inaabot sa'kin yung kape, "please try to act mature."
Napatingin ako sa kanya.
"Mature? Ma, para mo naman akong binebenta."
"It's not selling," sabi niya agad.
"Ah okay. Premium sponsorship pala."
Tahimik siyang humigop ng kape.
At doon ko na-realize na seryoso talaga siya.
Bwiset.
Nasa harap ko yung folder.
Makapal. Mahal tingnan. Mukhang may kasamang trauma.
At sa loob non?
Marriage contracts. Business agreements. Family conditions.
At isang picture.
Napakaganda nung babae.
Unfortunately.
Mukha siyang:
laging mabango,
nangju-judge silently,
at never pang gumamit ng 3-in-1 coffee sa buong buhay niya.
Which was offensive.
Kasi 3-in-1 lang ang bumubuhay sa'kin.
"Her name is Sophia Valencia," dagdag ni Mama. "Half-Spanish. Their family owns several-"
"I literally do not care."
"Clearly," sagot niya. "That's why we're financially struggling."
Aray.
Rekta naman.
Napahiga ako sa upuan ko dramatically.
"So ang summary nito..." sabi ko. "I'm being arranged like a corporate project."
"Please stop making it sound ugly."
"Ma, kahit anong angle tingnan mo, ugly talaga."
Three days later, nameet ko yung future wife ko.
At unfortunately ulit-
mas maganda siya sa personal.
Nakakairita.
All Rights Reserved