Chasing The Beat Of You
Limang taon si Chia Dian Amorales sa Canada para takbuhan ang sakit ng nakaraan. Ngayong nakabalik na siya sa Pilipinas, ang tanging hangad niya ay katahimikan. Pero mapagbiro ang tadhana, sa unang dance session na sinalihan niya, ang bumungad sa kanya ay ang lalaking dahilan kung bakit siya lumayo.
Si Drake Austin Valeria. Ang ex niya. Ang sikat na dance coach na ngayon ay puno ng pait at galit.
Para maayos ang gulo at mahanap ang "peace of mind" na hinahanap, napilitan si Chia na pumasok sa isang kasunduan. Isang buwan. Isang buwan na kailangan niyang manatili sa tabi ni Drake. Isang buwan ng selosan, asaran sa Instagram, at mga nakaw na sandali.
Sa loob ng tatlumpung araw, sapat na ba ang distansya para hindi muling mahulog? O sa dulo ng deal, ang tanging pagpipilian na lang ay ang manatili sa piling ng isa't isa habambuhay?