alas tres ng madaling araw, nakayakap sa mga tuhod at naka-sandal sa pader. mga matang basang-basa ng luha, tengang pulang-pula dahil sa tindi ng dikit ng telepono. "p-please, please wag kang susuko. please. mahal na mahal kita. wag kang matakot. kasama mo ko. p-please." sino bang mag-aakala na sa mga oras na to, sa ilalim ng bilog at maliwanag na buwan, may dalawang taong parehas nagmamahalan pero parehas ding susuko. all rights reserved 2015 - @blnkcnvs 150601