"Paano ko sasabihin sa'yo na mahal kita... kung sa bawat paglipas ng segundo, unti-unting nauubos ang oras ko?"
Kilala si Kael bilang "Makata ng Verde" dahil kayang-kaya niyang gumawa ng perpektong pag-ibig sa mga sinusulat niyang nobela online. Ngunit sa totoong buhay, ang pagiging torpe ay isang tahimik na kalaban na unti-unting umuubos sa mga pahina ng kanyang sariling kwento.
Enero 11. Ito ang araw na napagpasyahan niyang maging matapang. Hawak ang isang kahel na sobre na naglalaman ng kanyang buong pagkatao, handa na siyang umamin kay Cessa Zian. Ngunit bago pa man siya makarating sa gate ng unibersidad, isang delivery truck ang tuluyang wumasak sa kanyang mga pangarap.
Pumasok siyang muli kinabukasan na tila walang nangyari. Nakangiti, nagdidirek ng dula, at patuloy na nagmamahal. Walang sinuman ang nakakaalam ng katotohanan maliban sa kanyang matalik na kaibigan.
Hanggang saan mo kayang magsinungaling para lamang makabuo ng huling alaala kasama ang taong mahal mo? Dahil sa paglubog ng araw, ang mga salitang isinulat nang may buhay at pag-asa, ay mababasa na lamang na may bahid ng sariling dugo.
All Rights Reserved