The Hidden Feelings (COMPLETED)
Description:
Chennei Ann Turso and Miguel Everson Santiago.
Mula pagkabata o noong una kaming nagkakilala, naging magkaibigan na parang laging magkaaway. Bullying dito, asaran doon, pero sobrang close. Siya lang ang tinatawag kong "Miguelito"-isang nickname na para lang sa akin, isang tawagang puno ng endearment.
Kasama ko sa lahat ng ito ang dalawa kong best friends na laging saksi sa samahan namin:
Si Stella Jane Jones, mahinhin at nonchalant tignan sa iba, pero kapag kaming tatlo na, siya na ang pinaka-maingay at active. At si Heralyn Mendez, shy type din pero mas madaldal at laging open sa amin.
Sila yung laging nagsasabi na may something sa amin ni Miguel. Na may chemistry. Na halata naman daw.
Akala ko okay lang ang lahat. Akala ko hanggang doon na lang ang samahan namin.
Pero bakit biglang nagbago ang lahat nung minsan, nagbiro lang ako?
"Miggy... crush kita."
Akala ko tatawa lang siya. Akala ko aasarin niya ako pabalik.
Pero imbes na tumawa, lumayo siya. Naging tahimik. Iwas ng tingin. Parang naging estranghero bigla yung taong dati'y hindi mapaghiwalay sa akin. Ang huling interaction namin? Isang simpleng Feast Bomb.
Sinasabi nila Heralyn at Jane na baka naguguluhan lang siya. Na baka nahihiya lang din gaya ni Arlan Jay Almuendez-yung manliligaw ni Jane na call center agent, o gaya ni Darwin Lee Catubig na pursigong manligaw kay Heralyn.
Pero paano ko hihintayin kung pakiramdam ko... araw-araw akong tinatabuyan?
Hanggang kailan maitatago ang nararamdaman?
At hanggang kailan magiging estranghero ang dalawang taong dapat sana ay magkasama?
Tags: #Romance #SchoolLife #FriendsToStrangers #HiddenFeelings #Taglish #Crush #Drama #Hugot #BestFriends