Arriving at Recto Station (Transit #1)

Arriving at Recto Station (Transit #1)

  • WpView
    Reads 55
  • WpVote
    Votes 6
  • WpPart
    Parts 11
WpMetadataReadMatureOngoing2h 2m
WpMetadataNoticeLast published Wed, Jul 8, 2026
Maraming bagay ang nakakabagot lalo na't kapag uwian ka sa kolehiyo. Nariyan ang kailangan mong gumising nang napakaaga para lang makahabol sa pasukan. Kapag tirik na ang araw at saka ka lang aalis, mapapamura ka na lang sa tindi ng traffic sa may Junction. Mula sa usok ng mga sasakyan hanggang sa sikip ng punuang jeep, masasabi talaga ni Amber na minamalas nga talaga siya. Makailang beses nang natapunan ng kape, nadumihan, at nadikitan ng katabing pasahero ang puting-puting uniporme ng maarteng si Amber. Hayan tuloy at panay busangot ang babae hanggang sa makababa sa Sta. Lucia. Akala niya ay kunot-noo pa rin siyang babiyahe, ngunit sa tuwing bumubukas ang kanang pintuan ng tren ay hindi niya maiwasang mapatitig sa lalaking laging kasabay niyang pumasok. Matangkad ito, matipuno, at moreno-swak na swak para sa isang mestizang tulad niya. Mula sa simpleng titig ay hindi na maiwasang tumabi na si Amber sa lalaki. Sa loob-loob niya ay mabuti nang hanggang doon lang ang interaksyon nila ng binata. Sapat na naman, hindi ba? Pero isang araw ay tila ba nagpaulan ang langit ng swerte kay Amber. Maaga siyang nagising, hindi na traffic sa Junction, at dumating siya sa LRT nang hindi nadudumihan ang uniporme. At higit sa lahat, nakuha na niya ang pangalan ng misteryosong lalaking ilang buwan nang pumupukaw sa atensyon niya. Dinampot niya ang nalaglag na mga papel ng lalaki at sinubukang kausapin ito. Pero huli na ang lahat dahil sinabi na ng announcer na nakarating na sila sa Recto. Hindi pa man din niya natatawag ang binata ay nawala na agad ito sa kaniyang paningin. Isang buntong-hininga ang kumawala sa labi niya at tinitigan ito. Paano nga ba niya ibabalik kay Keanu Jude D. Escalante ng TUM Civil Engineering ang nalaglag nitong assignment na ang deadline ay alas-dos sa araw ding iyon? - Transit Series #1 Stand-alone Dual POV Romance Coming-of-age Sexual Scenes LRT-2
All Rights Reserved
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Night Out
  • Secret in Sight
  • Stay Stay Stay
  • The Summer We Fell In Love (Seasons Series #1) | ON GOING
  • Send Love (James Spencer)
  • I Met You In Ateneo
  • Unexpected Intrusion | 𝙌𝙪𝙞𝙭𝙤𝙩𝙞𝙘 𝙎𝙚𝙧𝙞𝙚𝙨 1 (COMPLETE) UNDER EDITING
  • OUR YESTERDAY'S LOVE WRITTEN IN THE SAND (Under Revision)
  • THE CHASING LOVE ( FRIENDSHIP SERIES #1)
Night Out

UP Men's Basketball Team Last night in Naga February 11, 2020

More details
WpActionLinkContent Guidelines