"How do you grieve for a love that did not even exist?"💛💙
Si Avery ay isang tipikal na Wattpader girlie. Para sa kaniya, ang totoong mundo ay nakakabagot kumpara sa mga makukulay, perpekto, at 'green flag' na mga karakter na binabasa niya gabi-gabi sa kaniyang orange app. Naniniwala siya na balang araw, darating din ang sarili niyang kwento na may nakahandang Happy Ending.
At dumating si Cyrus Valderama.
Isang masungit, antipatiko, at misteryosong Fine Arts student na nakabangga niya sa isang maulan na gabi. Sa bawat pag-upo ni Avery bilang kaniyang modelo sa Studio 302, unti-unting nababago ang takbo ng kaniyang mundo. Si Cy ang nagturo sa kaniya kung paano makakita ng totoong kulay sa labas ng mga pahina ng libro. Si Cy ang naging paborito niyang pamagat.
Ngunit sa totoong buhay, walang 'backspace' para burahin ang maling tao, at walang 'edit button' para baguhin ang masakit na dulo.
Nang biglang lumayo si Cy at mag-iwan ng isang malupit na kasinungalingan, nadurog ang mundo ni Avery. Ang hindi niya alam, sa likod ng bawat panlalamig at pagtaboy ng kaniyang artist ay isang mabilis na nauubos na oras. Isang lihim na may kulay asul at dilaw.
Kapag ang huling kabanata ba ay natapos sa isang trahedya, paano mo sisimulan ang isang bukas na wala na ang taong nagbigay-kulay sa iyong canvas?
All Rights Reserved