Sa mundong hinati sa limang pangkat, ang pagiging iba ay parusang kamatayan. Si Elyos, itinuturing na mahina at marupok, ay nagtago ng lihim-siya ay isang "PAMBIHIRA" , ang pinakakinatatakutan ng sistema. Sa isang nakagugulat na pasya, nilabag niya ang lahat at lumipat sa pangkat ng Lakas.
Dito, haharapin niya si Kai-ang pinakamalakas at mapanghamong mandirigma, na itinakda siyang sirain at ipahiya. Ngunit habang pilit nilang pinatutunayan kung sino ang tunay na malakas, matutuklasan nila na ang tinatawag nilang kahinaan ay siya palang tunay na lakas, at ang pag-ibig ang tanging sandatang kayang bumagsak sa isang bulok na sistema.
Todos los derechos reservados