Break My Heart Right (Short Story)
New adult
COMPLETED
Teaser
Iba't iba ang mukha ng pagiging martyr. Unconditional o selfish love. Pero sa huli, kapwa may nasasaktan. Mayroon din tinatawag na marupok, iyon naman ay ang mga taong sinasaktan na, iniiwan na, niloloko na at itinataboy na, bumabalik at naghahabol pa rin. Gano'n daw talaga kasi ang pag-ibig, marupok, at kapag ikaw ang naging biktima, wala kang magagawa kung hindi ang tumaya.
Gyzer Santos, mahuhulog sa unang tibok. Iibig ng walang hinihinging kapalit. Sabihin nang tanga pero kakapit at 'di mawawalan ng pag-asa na may patutunguhan ang pitong taong relasyon kay Cielo Hernandez. Isang relasyon na hindi matiyak ang estado. Isang pagtitinginan na hindi maituturing na relasyon. Sa madaling salita relasyong walang label.
Paano tatanggapin ni Gyzer ang katotohanang hindi seryoso si Cielo sa relasyong mayroon sila? Hindi lang isa, hindi lang dalawa, kung hindi paulit-ulit na bumibitaw ang dalaga sa kanya.
Saan patungo ang walang katapusang paghahabol ni Gyzer? Hanggang kailan niya kayang isalba ang relasyong halos lunod na?
Magagawa kayang nitong ipaglaban at alagaan ang mayroon sakanila ni Cielo kahit nagdudulot ito nang sobrang sakit sa kanya?
Tunghayan ang kwento ng pag-ibig ni Gyzer, ang kwentong susubok sa inyong pasensya sa ngalan ng pag-ibig.
‼️SALAMAT PO SA PAGBABASA. PLEASE DON'T FORGET TO LEAVE VOTES AND COMMENTS. THANK YOU AND GOD BLESS ‼️