Sabi nila, love conquers all.
Hindi naniniwala si Cleo Zara Pimentel doon.
Bilang isang proud anti-romantic, wala siyang pakialam sa fairytales, soulmates, o happily-ever-afters. Mas gusto niyang maka-survive sa high school nang payapa kaysa sayangin ang oras niya sa pag-iisip tungkol sa pag-ibig.
Maayos naman ang lahat...
Hanggang sa dumating si Kaito Calix Mendavia sa Quintin High.
Ang campus golden boy na transfer student ay mabilis na naging seatmate niya, academic rival, at numero unong dahilan ng stress niya araw-araw.
Mula sa mga classroom competitions, school activities, at basketball games hanggang sa mga hindi inaasahang pagkakataon, paulit-ulit silang pinagtatagpo ng tadhana.
Ang problema?
Habang mas madalas silang nagbabangayan, mas lalo nilang hindi maiwasang mapansin ang isa't isa.
Ngayon, sa gitna ng mga tsismis, misunderstandings, childhood friends, makukulit na kapatid, at isang universe na parang gustong sirain ang kanyang anti-romantic agenda, unti-unting matutuklasan ni Cleo na minsan...
Ang taong pinakaayaw mo ang siyang pinakamahirap kalimutan.
At baka...
Siya rin ang taong dahan-dahang pumapasok sa puso mo.
Kaso nga lang, mas gugustuhin pa ni Cleo na lamunin siya ng lupa kaysa amining may nararamdaman siya para kay Kaito.
Tagline: "She declared war. The universe shipped them anyway."😭🖐
Todos los derechos reservados