Sino nga ba ako?
Kung malalaman mo kaya ang mga sikreto ko magbago kaya ang pagtingin mo?
Kailangan ko ng payo, sana ay mabigyan mo ako…
Salamat ng marami.
P.S. Ang mga matutunghayan mo ay pawang mga sentimyento na hango sa iba’t ibang kwento ng buhay na pinagtagni tagni ng may akda. Ito ay journal ng mga kwento sa loob ng isang main piece.
Mangyaring hindi binago ang mga pangalan upang maging makatotohanan.
Kung aking gagawing isang buo na life story ang mga kwentong ito, maglalagay ang may akda ng isang tauhan na siyang magsisilbing mata, tenga, bibig, panlasa at pandama natin habang naglalakbay sa mga pangyayaring ilalahad sa loob nito. Ilalagay niya ang sarili niya sa mga naganap sa bawat paksa. May mga pagkakataong ang bida ay maglalaan ng kanyang parte sa storyang ito, malay natin kung saang banda. Kayo na ang makiramdam.
Tawagin natin siya sa pangalang “BAYAN”….
Hindi ginawa ang akda upang husgahan, bagkus unawain; payuhan at hindi kutyain. Nawa kaibigan ikaw ay may matutuhan.
Sabi nila masarap daw magmahal, pero naisip ni Zernia na hindi sa lahat ng pagkakataon ay puro saya. May mga bagay tayong hindi natin inaasahan, may mga desisyon tayong magagawa na hindi natin napag-iisipan.
Mahal ni Zernia ang kanyang asawa, ngunit may pangyayari na hindi niya inaasahan na naging dahilan upang iwan niya ito.
Pagkalipas ng anim na taon ay bumalik siya.
Ngunit ibang-iba na ang asawa.
________________________