Denial The Series [Tagalog Story]
Kahit anong tanggi, pagtatago, pag-iwas, kung ayaw naman siyang tantanan sa gumugulo sa buhay niya, ay lagi parin niyang hanap-hanapin. Halata namang ma mi-miss at ginusto, pakiput pa. Siya talaga si Nawin at ang kasama sa kwento ay si Phum na makulit, clingy, at bweset sa buhay ni Nawin.
Nagkakilala sila sa canteen noong nabangga siya ni Nawin at natapon ang dala niyang kape at pareho silang nabasa sa harap ng madaming fans. Oo, sikat si Phum dahil sa galing niyang maglaro ng football. Samantalang si Nawin, sumikat dahil sa viral post una noong pagtapon ng drink kay Phum at pangalawa ay napansin siya na magaling din si Nawin sa Badminton.
After sa nangyari, nagustuhan ni Phum si Nawin dahil saka Denial at Pakiput nito hanggang nabalitaan ng mga fans ang tungol sa kanila at nabo-u ang shipping culture.
"Anong masama kung sayo lang titibok ang puso ko?" - Phum
Kahit sa mga banat ni Phum, halata kay Nawin na affected siya pero denial parin at panay iwas at tanggi.
"Ang corny mo" - Nawin
Sa Chapters, inaasang mapansin ang ilang mga critics lalo na't sa pacing nito, pasensuya na dahil medyo may kaguluhan sana kahit may mali parin sa spellings, tuloy parin ang pagbasa hanggang ma-abot ang pinakamagandang pangyayari sa kwento.
Sana magustuhan niyo ang kwentong sinulat ko at ito ang pinaka unang seryusong gawa ko mula noong May 2025. Enjoy!