1 Year and 8 Months
Noong una, akala ni Ivory ay isa siya sa mga babaeng masuwerte sa pag-ibig.
Nakilala niya si Ranzid, isang tahimik at matalinong lalaki na nagbigay sa kanya ng pagmamahal na matagal niyang hinintay. Sa loob ng isang taon at walong buwan, magkasama nilang binuo ang mga pangarap, hinarap ang mga problema, at pinanghawakan ang pangakong hindi sila bibitaw sa isa't isa.
Pero paano kung isang araw, magising ka na lang na ang taong pinakamamahal mo ay siya ring dahilan ng pagod na nararamdaman mo?
Mula sa maliliit na tampuhan, simpleng hindi pagkakaintindihan, at mga salitang binitiwan kapag galit, unti-unting nagbago ang relasyon nila. Ang dating puno ng lambing ay napalitan ng katahimikan. Ang dating magaan ay naging mabigat.
At habang pilit nilang nilalaban ang pagmamahal na minsang naging tahanan nila, pareho nilang natatanong sa sarili:
Mahal pa ba nila ang isa't isa?
O nasasanay na lang silang manatili?
Ito ang kwento nina Ivory at Ranzid-dalawang taong nagmahal nang totoo, ngunit unti-unting nalunod sa mga problemang hindi nila natutunang ayusin.
Dahil minsan, hindi ibang tao ang sumisira sa isang relasyon.
Kundi ang mga sugat, tampo, at pagod na naiipon sa loob ng 1 Year and 8 Months.
All Rights Reserved