Charity Rublis Martinez has her whole life planned out. Bilang isang honor student, sanay siyang unahin ang grades, school, at future niya.
Wala siyang oras para sa love life, drama, o kahit anong bagay na makakadistract sa mga goals niya. Kaya nang malaman niyang magiging seatmate niya si Clark Nathaniel Sanchez, pakiramdam niya ay agad nang nasira ang tahimik at maayos niyang school year.
Sa dami ng pwedeng makatabi sa classroom, bakit siya pa? Ang lalaking laging may baong kalokohan, mahilig mang-asar, at parang hindi marunong manahimik kahit limang minuto. Kung may isang tao na kabaligtaran ni Charity, si Clark na iyon. Kaya sigurado siyang hindi sila magkakasundo.
Pero habang lumilipas ang mga araw, unti-unting nagbabago ang lahat. Ang seatmate na akala niyang magiging dahilan lang ng sakit ng ulo niya ay siya ring dahilan kung bakit mas naging masaya ang mga ordinaryong araw niya. Ang simpleng asaran ay nauwi sa pagkakaibigan, at ang pagkakaibigan ay nauwi sa damdaming pareho nilang hindi inaasahan.
From high school memories, late-night conversations, college struggles, heartbreaks, dreams, and second chances, sabay nilang haharapin ang mga pagbabago sa buhay.
Ngunit sapat kaya ang pagmamahal nila para malampasan ang mga pagsubok na darating? O mananatili na lang silang dalawang taong minsang nagkatabi sa classroom at nagkaroon ng kwentong hindi malilimutan?
Because sometimes, love doesn't start with grand gestures or love at first sight.
Sometimes...
It starts with a simple seating arrangement.
At isang makulit na seatmate na hindi mo maiwasang mahalin.
A slow-burn romance filled with laughter, friendship, unforgettable memories, and a love story that began with one seat apart.
"He was supposed to be just my seatmate."
"I never expected him to become my favorite person."
All Rights Reserved