Minahal nya nang buong puso, ngunit binalewala lamang ng taong pinakamahalaga sa kanya.
Siya ang babaeng handang ibigay ang lahat oras, pagmamahal, at pang-unawa. Ngunit sa kabila ng lahat ng sakripisyo niya, paulit-ulit siyang nasasaktan ng lalaking pinili niyang mahalin.
Nang mapagtanto ng lalaki ang tunay na halaga ng babaeng palaging nasa tabi niya, huli na ang lahat. Unti-unti nang nawawala ang babaeng minsang nangakong mananatili hanggang dulo.
Sa bawat luha, bawat pagsisisi, at bawat salitang hindi niya nasabi noon, haharapin niya ang pinakamapait na katotohanan may mga taong handang mahalin ka hanggang sa huli, ngunit hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataong mahalin sila pabalik.
At sa kanyang huling paghinga, dala-dala ng babae ang pagmamahal na hindi kailanman nasuklian, habang ang lalaking minsang nanakit ay naiwan na puno ng pagsisisi.
Minsan, ang pinakamalaking pagkakamali ay ang pagbalewala sa taong handang mahalin ka hanggang sa huling hininga.
Estelle Astra Qurino and Phoenix Elio Hermosa
Copyright 2026 || _lightindark
Todos los derechos reservados