Isang kuwento ng isang kabataang unti-unting hinaharap ang tunay na mukha ng buhay sa kolehiyo-ang mga pangarap, pagsubok,pagkabigo, at mga taong nagiging bahagi ng kaniyang paglalakbay.
Sa pagpasok niya sa panibagong yugto ng buhay, dala niya ang mga pangarap na matagal niyang hinahangad at ang mga responsibilidad na hindi niya maaaring takasan. Sa pagitan ng mga klase, gawain, pagsusulit, bagong pagkakaibigan, mga problemang personal, at mga hamon ng buhay, unti-unti niyang natutuklasan kung sino talaga siya at kung ano ang kaya niyang harapin.
Ngunit higit sa lahat, ang kuwentong ito ay hindi lamang tungkol sa isang estudyanteng naghahangad na makapagtapos. Ito ay kuwento ng isang taong patuloy na lumalaban kahit napapagod, patuloy na nangangarap kahit maraming dahilan upang sumuko, at patuloy na bumabangon sa bawat pagsubok.
Hango sa tunay na buhay ng may-akda, ang kuwentong ito ay isang paglalakbay ng sarili-mula sa mga karanasang humubog sa kaniyang pagkatao hanggang sa mga pangarap na patuloy niyang inaabot. Isang paalala na ang buhay kolehiyo ay hindi lamang tungkol sa mga grado at diploma, kundi tungkol din sa mga aral, alaala, pagkakaibigan, pagkabigo, at sa taong unti-unti nating nagiging bahagi ng ating buhay habang tayo ay patuloy na naglalakbay.
Tous Droits Réservés