Hindi kailanman inakala ni Lee na may taong kayang baguhin ang pananaw niya tungkol sa pag-ibig. Bilang isang tahimik at seryosong engineering student, nakaplano na ang halos lahat ng aspeto ng kanyang buhay maliban sa pagdating ni Xavier.
Si Xavier ay kabaligtaran niya masayahin, palakaibigan, at puno ng kulay ang mundo. Sa isang simpleng pagkikita sa unibersidad, nagsimula ang isang pagkakaibigang unti-unting lumalim sa paraang hindi nila inaasahan.
Habang lumalakas ang kanilang nararamdaman para sa isa't isa, kailangan nilang harapin ang mga tanong na matagal nilang iniiwasan, mga lihim na ayaw nilang mabunyag, at mga taong maaaring hindi tanggap ang kanilang relasyon.
Sa mundong puno ng inaasahan at paghuhusga, pipiliin ba nila ang landas na idinidikta ng iba, o susundin nila ang kulay na tunay na nagpapasaya sa kanilang mga puso?
"Hindi lahat ng pag-ibig ay madaling ipaliwanag. Minsan, kailangan mo lang sundin ang kulay na nagpapakulay sa mundo mo.''
Lee Reyes and Xavier Chan
Copyright 2026 || _lightindark
All Rights Reserved