Si Bianca ay ang iyong typical nerd. Sa sobrang pagkanerd ay lahat na aspetong 'di pangnerd ay zero siya, kasama na ang lovelife. Akala pa niya ay magiging NBSBUD (No Boyfriend Since Birth Until Death) pa siya. Or so she thinks.
In a turn of events habang naghahanap ng legit na chemical lab pa ipagireresearch, napadpad siya sa shabu lab ng isang gang kung saan si Nomar, ang classmate niyang may kagwapuhang daig ang kay Daniel Padilla, ay kasali.
Habang hinahandang i-interrogate si Bianca ay nagkatitigan sila ni Nomar. Na-love at first sight sila dahil siyempre, cliche 'to eh.
Pinalaya si Bianca ng mga gang members sa isang mundong napakabago sa kanya. Kaya niya bang punan ang kakulangan ni Nomar gamit ang kanyang kalabisan? Alamin dito sa "Walang Labis, Walang Kulang"
*************
DISCLAIMER:
The description above? Complete bullsh*t. Oo, walang kinalaman ' yung buong kasinungalingan sa itaas sa kuwentong ito. Tutal, karamihan sa inyo'y cliche lang ang babasahin. Panibago naman kaya?
Si Nomar ay isang Pilipinong estyudante na may kagwapuhang napakalayo ng sa kay Daniel Padilla. Binigyan siya ng utak at katawang pangnerd pero likas na inaayaw niya ito. Buset.
Habang inaasam na magiging parte si Bianca sa buhay niya (pero mukhang hindi 'yan mangyayari dahil halos 500 km silang magkalayo), nagsusulat siya ng mga light-heartening at nakakatawa ngunit minsang seryosong mga bagay-bagay tungkol sa buhay-pag-ibig, buhay-estyudante, buhay-teenager, at buhay-Pilipino.
Samahan niyo ako dito sa "Walang Labis, Walang Kulang".
**************
DISCLAIMER (pramis, seryoso na 'to):
Mga kolesyon ko ito ng sariling opinyon, guniguni, pagmumura, at pagrereklamo. Baka po iba ang akala niyo dahil sa wording ng description. Read, Comment, Vote. Salamat po.