Minsan, sapat na ang isang pagkikita upang mabago ang buong buhay mo.
Sa murang edad, natagpuan nina Zianne at Charles ang isang koneksiyong hindi nila maipaliwanag. Nagsimula ang lahat nang lumipat ang pamilya ng batang lalaki sa lugar kung saan nakatira ang batang babae. Sa kabila ng agwat ng kanilang edad, mabilis silang naging malapit sa isa't isa hanggang sa unti-unti nilang mapagtanto na ang nararamdaman nila ay higit pa sa pagkakaibigan.
Ngunit hindi lahat ng kuwento ng pag-ibig ay may masayang simula.
Isang hindi inaasahang pangyayari ang nagpilit sa kanilang maghiwalay nang lumipat sa Amerika ang pamilya ni Charles. Bilang anak ng isang makapangyarihan at maimpluwensyang pamilya, wala siyang nagawa kundi sundin ang kagustuhan ng kanyang mga magulang. Bago siya tuluyang umalis, nangako siya kay Zianne na balang araw ay babalik siya upang hanapin ito at tuparin ang kanilang pangarap na magsama habang-buhay. Bilang simbolo ng kanilang pagmamahalan at pangakong hindi kukupas, nagpalitan sila ng mga bracelet.
Labimpitong taon ang lumipas.
Tagumpay na ang nasa mga kamay ni Charles nang muli siyang bumalik sa Pilipinas, ngunit ang babaeng minsan niyang minahal ay tila naglaho na lamang na parang bula. Lumipat na raw ng tirahan ang pamilya ni Zianne, at wala siyang anumang bakas kung saan ito matatagpuan.
Sa paglipas ng panahon, mananatili pa kaya ang alaala ng kanilang pagmamahalan?
Kung muli silang pagtatagpuin ng tadhana, makikilala pa kaya nila ang isa't isa?
At higit sa lahat, matutupad pa kaya ang pangakong minsang nagbuklod sa kanilang mga puso?
O isa na lamang ba itong alaala ng isang pag-ibig na iniwan ng panahon?
Todos los derechos reservados