Ang Buhay ay Isang Semicolon ay isang koleksyon ng mga mga malayang tula hinggil sa buhay natin bilang isa nilalang na dumaan sa proseso ng pagkapagod, pagkaligaw at pagpatuloy.
Halina't damhin ang mga salitang nawa'y magsilbing yakap sa pusong pagod at sugatan. Samahan mo akong lakabayin ang pahinang puno ng mga mahihiwagang salitang maaaring maging liwanag sa madilim na daan at magsilbing panimula ng isang panibagong yugto ng iyong buhay.
Dahil kung akala mo na kapag ikaw ay nabigo, napagod, o huminto ay doon na rin nagtatapos ang lahat, nagkakamali ka.
Sapagkat habang ikaw ay humihingi, habang ikaw ay nagigising sa bawat panibagong umaga, at habng patuloy na umiikot ang mundong ating ginagagalawan, patuloy ding darating ang mga unos sa ating buhay. At sa kabila ng lahat wala tayong pagpipilian kundi ang lumaban, bumangon, at patuloy na mabuhay.
Dahil ang buhay ay hindi tuldok. Ang buhay ay semicolon;
All Rights Reserved