Mahigit tatlong taon na na-comatose si Jules matapos ang aksidente nila ng boyfriend niyang si Nolan. Pagkagising niya, doon niya lang nalaman na tatlong taon na pala siyang walang malay. Ang dami na palang nagbago habang tulog siya.
At ang pinakamasakit sa lahat, patay na si Nolan.
Si Nolan ang tanging taong nagpakita kay Jules kung ano ang tunay na pagmamahal. Siya ang naging tahanan niya sa gitna ng pamilyang hindi kailanman nagparamdam ng sapat na aruga at pag-unawa. Kaya ngayong wala na siya, parang biglang sobrang tahimik at sobrang bigat ng mundo para kay Jules.
Pero habang sinusubukan niyang bumangon at mag-adjust sa buhay na wala na si Nolan, may isang tao siyang makikilala na muling gugulo sa lahat.
Si Tristan.
Mukha pa lang, para na siyang si Nolan. Same face. Same smile. Halos lahat pareho. Pero alam ni Jules na hindi siya si Nolan.
At mas lalo siyang hindi para sa kanya, dahil may sarili na itong buhay. Engaged na siya kay Fritzie at malapit na silang ikasal.
Pero kung hindi siya si Nolan, bakit parang may parte kay Jules na hindi niya mapigilang maniwala na may mas malalim na dahilan sa likod ng lahat?
"HE WAS NEVER YOURS"
A Wattpad BL Story
Written by @GeloSalang
Started: June 22, 2026 On-going
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Seluruh Hak Cipta Dilindungi Undang-Undang