Sa Mori High University, iisa lang ang kayang magpaingay ng buong campus. Walang iba kung 'di ang pagdating ng UHB Men. Isang sikat na grupo, sentro ng atensyon, at dahilan ng halos lahat ng kilig. Except kay Xhena. Para sa kaniya, abala lang ang grupong iyon sa mga plano niya sa buhay, lalo na si Wayne Monterey. Ang lalaking parang may sariling radar para hanapin siya, asarin siya, at guluhin ang araw niya. At higit sa lahat, si Wayne ang tipo ng lalaking iniiwasan ni Xhena. Guwapo, sikat, at sanay makuha ang lahat ng gusto. Kaya malinaw ang plano niya, ang lumayo, umiwas, at huwag madala sa kahit anong charm ni Wayne. Pero paano kung hindi lang pang-aasar ang dahilan kung bakit hindi siya tinatantanan nito? At paano kung, sa kakaiwas niya, mas lalo lang siyang nahuhulog sa taong pinakagusto niyang layuan?
Detail lengkap