Alexis Montana Gomez isang tahimik na estudyante, hindi siya magaling sa academics rival, pero makikita mo sa mga mata niya ang pagiging seryoso sa isang bagay na gusto niya. Dahil sa pagiging mapag-isa niya, ay wala siyang naging kaibigan sa buong high school life niya. Ang kaniyang ina ay si Melody Montana, isang OFW sa Hongkong, at ang kanyang ama ay si Richard Gomez isang Engineer sa isang kumpanya. Siya lang ang nag-iisang anak ng mga ito. Ang kaniyang mga magulang ay separated, kasal silang dalawa sa Pilipinas, dahil sa walang divorce sa Pilipinas.
Parehong walang oras ang mga magulang niya sa kanya, lumaki siya sa kanyang tita Mildred na kapatid ng kanyang Ama. Wala itong asawa at anak. Pinalaki siya ng nito, na parang tunay na niyang anak.
Dumating ang takda oras ng pasukan sa kolehiyo, ito ang unang pagkakataon niya makapasok sa isang Unibersidad sa Maynila. Ang Miraculous University. Freshman siya. Unang pagpasok niya dito, ay naging maayos naman ang lahat ngunit sa isang maling pagkakataon ay nagtagpo ang landas niya sa isang tao, na magbabago sa kanyang pagkatao.
Seluruh Hak Cipta Dilindungi Undang-Undang