Nagsimula ang lahat sa isang misteryosong liham.
Nakatanggap ako ng mga liham na tila galing sa ibang mundo, mga liham na naglalaman ng mga babala, lihim, at mga katotohanang hindi ko dapat malaman. Ngunit ang pinakanakakakilabot? Ang mga ito ay pirmado ng sarili kong pangalan.
Habang unti-unti kong binubuksan ang mga liham, natuklasan ko ang isang katotohanang magpapabago sa lahat: may daan-daang bersyon ko sa iba't ibang mundo, at lahat sila ay namatay.
Kasama si Lucien Vale, isang misteryosong lalaki na tila konektado sa aking nakaraan, kailangan kong alamin kung sino ang nasa likod ng kanilang mga kamatayan bago ako maging susunod.
Dahil sa bawat liham na natatanggap ko, mas lumalapit ako sa katotohanan.
At sa bawat katotohanang natutuklasan ko...
Mas lumalapit din ang kamatayan sa akin.
DISCLAIMER
Ang kuwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga tauhan, lugar, pangyayari, at organisasyong mababanggit sa akdang ito ay bunga lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakatulad sa tunay na tao, buhay man o patay, lugar, o pangyayari ay nagkataon lamang at walang intensiyong tumukoy sa sinuman.
Plagiarism is a crime. Huwag kopyahin, i-repost, i-translate, o gamitin ang anumang bahagi ng kuwentong ito nang walang pahintulot ng may-akda.
All Rights Reserved