180 Degree turn, back to once we love each other before we even know it. -
Minsan na tinalikuran ni Yvette Buencamino ang taong lubos na nagmahal sa kanya, naduwag siya't nakasakit bagamat hindi iyon ang nais ng puso niya na mangyari, but she needed to do, she must do, dahil noong mga panahon na iyon ay siya lang ang nakakaunawa na hindi pa nakapanahon para magmahal siya, masyado pang kumplikado ang bagay-bagay, hindi niya iyon maprayoridad.
Sa nangyaring iyon, na minsan ay tinalikuran niya ang pag-ibig ay hindi na muling dumating iyon sa sampung taon na lumipas ng kanyang buhay, may nagtangka man na kunin ang loob niya ay kanya itong nilagpasan na lamang at tinanggihan. Halos mapag-iwanan na siya't ayaw na muling pasukin ang pakikipag-relasyon, pagkat alam niya na hindi siya bihasa dito, pagkat minsan na siyang nakasakit at ayaw niya na itong maulit pa, she knows well that after what she did, she no longer deserve to be loved again.
Sa kaibuturan ng puso niya, binabagabag pa rin siya ng konsensya at pangungulila, sinasarili't kinikimkim na lamang niya ang mga damdamin na hindi niya pinalaya o binigyan ng pagkakataon na maipadama 'kay Chrysanthenum at kung mabibigyan man siya ng pagkakataon na magmahal ulit, she will make a move, 180 degree turn back to the woman she once loved.
Si Chrysanthenum pa rin ang gugustuhin niya, kung hindi lang din ang dalaga na ito ay kahit tumanda na lamang siya na mag-isa, malungkot, walang nagmamahal.
currently writing: June 26, 2026
Done: ×××
All Rights Reserved